ITS OFFICIAL! PGEN BENJAMIN ACORDA JR. IS THE NEW CHIEF PNP!
Ang ika 29th Chief ng Philippine National Police, opisyal ng itinalaga para mamuno sa higit-kumulang 220,000 na pulis sa buong Pilipinas. Ito ay matapos ang Change of Command Ceremony sa Camp Crame kaninang umaga. Si PGEN Benjamin Acorda Jr ang pumalit sa pwesto ng nag-retirong si General Rodolfo Azurin Jr. Pinanguhan ng ating mahal na Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos jr. ang nasabing seremonya. Andoon din ang presensya ng kalihim ng DILG na si Secretary Benhur Abalos, Special Assistance to the President Secretary Anton Lagdameo, NICA Director Gen. Ricardo De Leon, at Former Transport USec Gen.Tom Lantion. Si General Benjamin Acorda ay mula sa SAMBISIG Class '91 ng PMA. Na-assign sa ibat ibang probinsya gaya ng Pangasinan, Ilocos Norte, Region 10, Palawan at nagsilbing Director for Intellegence ng PNP. Tubong Ilocos Norte, nataguriang "Humble Servant" ng kanyang mga nakasama sa serbisyo. Ang bagong Chief PNP ...