SENATOR BONG GO BUMISITA SA MALASAKIT CENTER NG QUIRINO PROVINCIAL MEDICAL CENTER.

Nagsagawa ng monitoring visit si Senator Bong Go sa Malasakit Center ng Quirino Provincial Medical Center sa Cabarroguis, Quirino ngayong April 22, Sabado. 

Bilang Chair ng Senate Committee on Health, prayoridad ni Senator Bong Go na pangalagaan ang kalusugan ng kanyang kapwa Pilipino. Kaya naman hindi niya pinalampas sa kanyang schedule na bisitahin ang Malasakit Center sa Quirino Provincial Medical Center.


Ang Malasakit Center ay naglalayong matulungan ang mga Pilipinong mahihirap at maysakit sa kanilang pagpapa-ospital. Hindi na sila mahihirapan dahil one-stop shop na ito kung saan nasa iisang bubong na lamang ang apat na ahensya ng gobyerno---ang DOH, DSWD, PCSO at PhilHealth.
Hangad ni Senator Kuya Bong Go na mabigyan ang mga Pilipino ng mas mabilis at epektibong healthcare services. 

Namigay rin ng tulong ang Senador sa mga frontliners at mga pasyente ng ospital gaya ng pagkain, food packs, t-shirts, face masks, at vitamins. Ang ilang benepisyaryo ay nakatanggap din mula sa Senador ng cellphones, bisikleta, bola, at mga pares ng sapatos. Bukod sa tulong ni Senator Kuya Bong Go, mayroon ding hiwalay na ayuda ang DSWD sa mga kwalipikadong benepisyaryo. 

Muli namang hinikayat ni Senator Kuya Bong Go ang mga taga-Quirino na dumulog sa kanilang Malasakit Center para sa mas mabilis at maasahang serbisyong medikal mula sa pamahalaan.

Pinasalamatan naman ng senador ang mga lokal na opisyal na sinamahan siya sa pagtitipon, gaya nina Governor Dax Cua, Congresswoman Midy Cua, PCSO Chair Junie Cua, Board Member Dr. Beth Saure, at iba pang health officials ng ospital at ng probinsya. 

Nakiisa din ang butihing Senador sa pagdiriwang ng ika-anim na anibersaryo ng Quirino Motorismo ngayong April 22, Sabado sa Provincial Sports Tourism Complex sa Cabarroguis, Quirino. 

Pinasalamatan ng senador ang mga organizer ng Motorismo dahil sa pag-imbita nila sa kanya. Isa ring motorcycle enthusiast si Senator Bong Go at palagi niyang pino-promote ang safety driving para makaiwas ang mga motorista sa anumang aksidente. 

#SenatorBongGo
#MrMalasakit
#PambansangKuya
#BisyoAngMagSerbisyo 👊🇵🇭

Comments

Popular posts from this blog

BAWAL MAG IMPRENTA AT GUMAWA NG SARILING PLAKA! - ASEC JAY ART TUGADE / LTO

PBBM APPOINTED GOVERNOR TAMAYO AS THE NEW VICE CHAIRPERSON OF NAPC!

"TIMPUYOG,, gathering of men and women for a good cause."