PBBM PINANGUNAHAN ANG PAGDIRIWANG NG ARAW NG KAGITINGAN SA MT. SAMAT SHRINE.

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino sa paggunita sa ika-81 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan ngayong ika-10 ng Abril 2023.

Sa ilalim ng temang, ‘Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino,’ layunin ng okasyon ngayong araw na ipaalala ang naging sakripisyo ng mga Pilipino, beteranong sundalo man o sibilyan, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.  Nais nitong iparating sa bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagiging makabayan at ng pagkakaisa sa buong bansa.

Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan (National Historical Commission of the Philippines o NHCP), ang komemorasyon ng Araw ng Kagitingan ay idinaraos tuwing ika-9 ng Abril bawat taon bilang tanda ng pagkatalo ng mga kawal ng Pilipinas at Amerika laban sa mga Hapon na naganap sa nasabing araw noong taong 1942.  Dito rin nagsimula ang sapilitang pagmartsa ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac na tinagurian sa kasaysayan bilang 'Bataan Death March'.

Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 90, s. 2022 na nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr., inilipat ang komemorasyon ng Araw ng Kagitingan ngayong ika-10 ng Abril para magbigay daan sa selebrasyon ng Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday) na natapat nitong Abril 9, 2023.

Naging makasaysayan ang okasyon na ito sapagkat isa sa mga Beteranong nakipag laban noon sa mga Hapon ang ama ni PBBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. 
Ang Mt. Samat Shrine ay ipinagawa ni Former President Ferdinand Marcos Sr. upang alalahanin ang kagitingan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano laban sa mga mananakop na Hapon noong ikalawang digmaan pandaigdigan. 

Comments

Popular posts from this blog

BAWAL MAG IMPRENTA AT GUMAWA NG SARILING PLAKA! - ASEC JAY ART TUGADE / LTO

PBBM APPOINTED GOVERNOR TAMAYO AS THE NEW VICE CHAIRPERSON OF NAPC!

"TIMPUYOG,, gathering of men and women for a good cause."