DATING USEC NG DOTC MAUGONG NA MAUPO BILANG SECRETARY NG DOTr?

Dating USec ng DOTC maugong na uupo bilang bagong Secretary ng DOTR?

Kumakalat na usapin sa social media ang balasahan ng mga nakaupo sa gabinite.
Ito ay dahil sa matatapos na ang election ban ng mga tumakbong politiko noong 2022 election.

Isa sa pinag uusapan ay ang dating USec ng DOTC at former Chairman ng LTFRB na si (Ret.) General Tom Lantion. 
Kilala si Lantion na malapit sa mga Jeepney Drivers noong kanyang panahon sa DOTC. 
Personal na sumasakay sa mga biyahe ng Jeepney drivers at inaalam ang kalagayan ng mga ito. 
Tumatak sa isipan ng mga drivers at operators ng PUV's ang pagiging hands on ng dating heneral noong kanyang pamumuno sa nasabing ahensya. 
Maging ang mga transport strikes noon ay madali nya nareresolba sapagkat personal nya kinakausap at inaalam kung ano ang pwedeng maging solusyon sa mga reklamo ng nasabing mga asosasyon at samahan ng mga drivers at operators. 

Si Lantion ay dating namuno sa Presidential Security Unit ni Former President Ferdinand Edralin Marcos Sr. 

Bagamat hindi tumakbo si Lantion noong nakaraang eleksyon 2022, mas pinili nya mag focus sa pag papalakas ng Partido Federal ng Pilipinas kung saan sya ang tumatayong National Secretary General. 
Ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang political party na pinamumunuan ng kanilang National Chairman na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. 
Subalit sa isang panayam kay General Lantion ay mariin niyang pinabulaan ang kumakalat na balita at sinabing matagal na syang retirado at sapat na ang ilan dakadang pag lilingkod nya sa ating bayan. 
Sinabi din ng dating USec na abangan nalang ang mga susunod na kabanata sa mangyayaring balasahana sa gabinete. 
Panoorin ang panayam kay General Lantion. 




Comments

Popular posts from this blog

BAWAL MAG IMPRENTA AT GUMAWA NG SARILING PLAKA! - ASEC JAY ART TUGADE / LTO

PBBM APPOINTED GOVERNOR TAMAYO AS THE NEW VICE CHAIRPERSON OF NAPC!

"TIMPUYOG,, gathering of men and women for a good cause."