BAWAL MAG IMPRENTA AT GUMAWA NG SARILING PLAKA! - ASEC JAY ART TUGADE / LTO

BAWAL ANG MAG IMPRINTA AT GUMAWA NG SARILING PLAKA!
- Asec Tugade / LTO

Ito ang mariing paalala ni DOTr Asec Jayart Tugade sa mga nagkalat na DIY or sariling gawa na plate number ng sasakyan at motorsiklo.
Ipinaliwanag ni Asec Tugade ang kaibahan ng Temporary Plate sa Improvised Plate.

Ang Temporary plate ay yung Conduction Plate para sa bagong sasakyan at yung MV plate naman ay sa bagong motorsiklo galing sa kasa.
Sa mga backlog plates naman noong 2017 pababa ay pwede pa din nila gamitin ang mga MV Plate na ibingay sa kanila ng Motorcycle Dealers.

Ang Improvised Plate naman ay para sa mga na-damage at nawalang mga existing plate.
Kinakailangan lamang magsadya sa LTO upang humingi ng authorization para sa pag gamit nito.

Nagbabala ang Chief ng LTO sa mga patuloy na  lumalabag sa batas na at sinabing itigil na para makaiwas sa multa at abala. 
Panoodin ang kanyang pahayag at alamin kung paano maiiwasan ang violation at paano ang tamang proseso kung may problema sa inyong plaka ng motorsiklo at sasakyan.



Comments

Popular posts from this blog

PBBM APPOINTED GOVERNOR TAMAYO AS THE NEW VICE CHAIRPERSON OF NAPC!

"TIMPUYOG,, gathering of men and women for a good cause."